When it all started?
Of course, I still remember how it all started but I don't know WHY. This very day, I decided to start a diary and start recording the daily events of my life.
Photo taken when I was in Grade 4 at Paaralang Elementary ng Lucban 2A.
Ginawa kong diary yung notebook na binili ko pa noong pa-Grade 4 pa lang ako. Grade 5 na ako nitong maisipan kong mag-diary. Wala pang kahit anong sulat, bakanteng-bakante pa. Pero sa natatandaan ko GMRC ko ang notebook na 'yon pero konting-konti lang ang nasulatan. Siguro pinunit ko na lang. Kaya ang mahahalagang mga nakasulat sa papel na ito ay akin nang ilalagay sa internet! yeah, cool! Para kung sakali mang basain ng bagyo o tupokin ng apoy ang aking hard copy e, magsu-survive pa din ang aking istorya. Nakakahiya ang mga maling spelling na words, mga imbentong pangalan ng mga crush, mga totoong nakakahiyang pangyayari na aking naranasan, atbp.
When I was in Grade 3, in Calumpit, Bulacan, I remember telling myself "One day, I'll be thankful that I got the chance to come, see and live in this place, to be able to know and meet these people, by that time comes, it will all be a good memory of my past."
Preparing for school back when I was in Grade 3 in Calumpit Elementary School.
Sabi nang kaklase ko nung high school, ma-i-hahalintulad daw ako sa isang dictionary - ang dami ko daw kasing alam at madaldal daw ako. Meron pa,.. sa text.. isa akong dictionary dahil lahat sa kanyang ginagawa at sinasabi ay binibigyan ko ng meaning. toinks At saka,.. yung kay Bob Ong na.. kung ako man ay isang dictionary, wala kang meaning sa akin! nyaha, pinaka-corny sa lahat ng mga corny.
Doing some polka in a school program for Nutrition Month (July 1st) back when I was in Grade 5 at PEL2A.
Pangarap kong mai-post ang lahat-lahat kong naisulat sa papel simula noong 1999. Ha! Nagsulat ako tungkol sa araw-araw na pangyayari sa aking buhay. Sobrang literal na pang-araw-araw na nangyayari sa buhay ko noon, na nangyari lang talaga sa buong araw ko ang isinusulat ko! Sinulat ko ang mga tungkol sa aking mga naging katipan. Haha! I can't believe I'm saying this. Nagsusulat ako kung ako'y masaya o malungkot. Naglalabas ako ng galit ay sa papel kaysa sa tao. Alam kong hindi kahit minsan magiging tismosa ang isang papel. Nitong huling taon ko nang high school, natutunan kong magsulat ng mga tungkol sa mga bagay-bagay at buhay-buhay. That's when I stoped writing about lovelife and just started to write about life. Ayun, wala na ding dumating na love sa aking life.
Kaya ang maipapayo ko lang sa iyo:
Isulat mo!