15.1.11

Tagalog, teh!

Makapag-tagalog kaya?

'Un lang kaya ang kulang para mas madami at mabilis kong mapipapayahag yung mga opinyon ko? Mas dadami ba ang aking maipapahayag dito sa blog na 'to?

Bakit ba pinipilit ko pati mag-english? Ang hirap kaya. Pero bakit kung minasan ay hindi din umuusad ang gusto kong ikwento o isulat kung nagtatagalog naman ako? Sa totoo lang, tumitigil na lang ako bigla paminsan-minsan kung nawawala at hindi ko mahanap ang term na gusto kong gamitin kapag nagba-blog ako sa English. At natitigilan din naman ako kung tagalog, at ayaw pa ngang umusad ng pagsulat ko sa Tagalog kung minsan dahil nababaduyan akong magpahayag ng ideya kung isasa-Tagalog.

Pero gusto ko nang malayang makapag-sulat. Gusto kong maisa-letra ang naii-isip ko. At gusto ko ding mahasa ang pagsusulat ko sa English.

Kung english kasi mas siguradong madaming makakabasa. Mas madaming makakaintindi. Dahil sa simula pa alang naman, ang blog na ito ay hindi lamang para sa mga kagaya kong Pilipino. Ang blog na ito ay bahagi ng malawakang blogosphere. Kung English ang gagamitin kong wika pagpapahayag ng gusto kong ipahayag ay kahit papaano, mas madaming makaka-intindi sa buong mundo. Hindi naman ako marunong mag-Mandarin kaya hindi ko din kailangan ng billiong Mandarin readers.

Kung Tagalog naman, aba edi type lang ako ng type ng kung anung gusto kong sabihin. Sabay upload ng kailangang picture. At ayun may bagong blog post na ako!

Un lang, gandang gabi! =)