"Who's there?"
"Meralco!"
"Meralco who?"
Oh shoot.. May tao!!
Naah.. I was just dreaming.. Wait.. AYY PUTEKK, may tuma-tao po talaga!
Nagising ako nang may tuma-tao po ng malakas sa pinto. Shet. Kung anu-ano ang naisip ko kung sino.. baka Motortrade? Digitel? Cable guy?? ahh.. Meralco!
Ha? Teka, kailan pa nangamala ang Meralco??
"Tao po? Tao po?"
"Bakit po?"
"Sa Meralco po kami. Ay mag-check lang po kami ng metro n'yo."
Oh right, joke ba 'to? T'as sasabihin n'yang hahabulin ko yung metro dahil tumatakbo? Bwahahahahahaha
"Ah.. O sige po."
"Ate, mag-brown out lang ng madali ha."
Makalipas ang ilang minuto. Matapos ang kanilang pag-uusisa.. Tinawag nila ulit ako.
"Ate, Ate.. yung atin lang tubo ang kailangan nang paltan. Kalawangin na at dumadaloy yung tubig kapag umuulan. Kung may budget o makaluwag ay papaltan na yung tubo nung metro."
"Ah.. Okay, ay sige po. Kasi po kung.. Ipapalipat na din po sana nga kasi 'yan. Ay anu po ba ang kailangan o ano dapat ang gagawin?"
"Ay.. kung ipapalipat naman po, ay sa matino na lang na Electrician n'yo ipagawa. Dahil kung hindi ay dadaan pa sa munisipyo yan at gagastos pa kayo. D'on na lamang sa matino ha, na Electrician, ipalipat n'yo 'yang metro at babaklasin kasi 'yang (anung tawag dun sa para keychain? Nakalimutan ko, anyway..) t'as ireport n'yo na lang sa Meralco at biente pesos lang ang babayaran ninyo.
Oha! May nasa-suggest naman palang matino ang Meralco.. under the table pa rin nga lang.
Na-explain ba nila yung binabayan natin Others sa electric bill natin every month??
Oh well, nangyayari pala 'yung pag-tao po ng Meralco sa bahay.
Look! There's more.. HAHAHA =) Effective ang ginawa ko para bumaba ang electric bill ko this month.
I just unplugged the microwave oven, the radio, the dvd player and turn off the bathroom lights when I'm not even there. Nice!