Sa Pilipino, kahit minsan walang umalis para mangibang bansa para mag-aral at para bumalik sa bansa na isang edukado.
AH! Tama, may mga nangibang bansa pala yung mga OFW. At syempre, bumabalik sila sa Pilipinas.
Pero teka, e hindi naman totoo yung mga ipinapalabas na istorya sa sa telebisyon o pelikula ah. Kathang isip lamang ito ng mga manunulat sa humuhugot ng kuwento sa kung saan-saang mga pangyayari, inspirasyon o imahinasyon.
Ibig sabihin ba'y natural o likas lamang na nakapako na ang pagiging trabrahador ng mga Pilipino kahit sa palabas sa TV o sine lamang?
Ibig sabihin ba'y walang nangarap o may manunulat na bukas ang isip na ang karakter niya sa kanyang istorya ay isang Pilipinong may mataas na langarin upang umunlad sa sariling kapakanan at maka-ambag sa kanyang sariling naghihikahos na bansa?
Ibig sabihin ba nito'y malabo na ang isang Pilipinong nasa ibang bansa ay succesful na businessman o isang napakatalinong iskolar.
Bakit? Dahil ba ang istoryang mga gaya nito ay di makatotohanan?
Shame!
Ang isang pelikula o palabas sa telebisyon ay tunay nga na siyang naglalarawan kung ano tayo ibang isang tao, bilang lipunan o bilang isang bansa. Nagsasalamin din ang mga istoryang isinulat kung ano ang naaabot ng kaisipan ng isang indibidwal, kung hindi niya kayang isipin na ang kanyang karakter ay may mataas na pangarap, o may magandang kinabukasn 'yon marahil ay dahil sa kahit minsan hindi pumasok sa kanyang kaisipan na ito'y posible. Dahil sa ang mga istorya ay likhang isip lamang at maaaring tumalakay sa lihis na kung ano ang katotohanang nangyayari sa buhay, bakit walang gumagawa nito? Bakit puros mang-gagawa o utusan ang mga ginagampanan ng Pilipino sa mga pelikula natin?
Oh tama, hindi naman lahat ng Pilipinong pelikula na nasa ibang bansa ay OFW.
source: Pinoy Exhange
May mga bakasyonista din naman pala na nasa Santorini, Greece tulad sa For The First Time.
Tapos eto na...
source: WikiFilipino
Milan na Domestic Helper si Claudine at illegal pa ang pag-pasok ni Piolo sa Italy.
source: avistaz
Si ate Shawie sa London, England na isang.. well, ayun sa pamagat -- Caregiver.
Ayan pa si Bea Alonzo na isang front desk officer, hindi ba pwedeng gawing siya ay yung may-ari nung kumpanyang pinagtatrabahuhan niya?
source: PinoyExchange
Yeah, Dubai.. yeah.
Takte, ang dami pala kasi meron pa akong mga nai-isip na hindi ko na lang isasama sa lista. Yung Anak ni Vilma Santos, yung pelikula ni Jinggoy na ang pamagat ay Katas ng Saudi!!! Hindi kaya ang mga ganitong klase ng pelikula ay nagreresulta na sa kaisipan ng bawat Pilipino na paunti-unti niyang natatanggap na kung siya ay mangingibang bansa ang mga posibilidad ay ganito ang kanyang magiging trabaho.
Wala tayong naging ang karakter ay doktor sa ibang bansa, wala tayong inventor sa ibang bansa, wala tayong abogado man lang kuwari sa ibang bansa. Walang katulad ni Jose Rizal na naging isang mag-aaral sa ibang bansa. Ang daming propesyon na pwedeng isa-pelikula ng mga Pilipino. Pero wala. Walang naglalakas ng loob na isa pelikula ito.
Dahil ba patok sa mga manonood ay ang istorya ng tunay na buhay?
Dahil ba ayaw ng producers ang ganung klase nang karakter sa pelikula niya?
O dahil sa katotohanang hindi tayo likas na mataas ang katungkulan kapag tayo'y nasa ibang bansa na.
Kahit sa pelikula na nga lang hindi pa, hindi pa magawang makatotohanan.