Dahil sa kompleto ang id ko.. puwede kaya akong magsulat ng libro tungkol sa mga ito at maging kakumpetensya si Bob Ong? Hmm..ano kaya ang puwede kong i-title? Ah.. siguro yung title ko na din dito.. ayun sa itaas! ID AQ N ANG MY ID!!
Nursery ID
Wala akong matandaan nung kinuhanan kami ng picture nito. Siguro dahil sa
sobrang katagalan na, ano??
Kindergarten ID
Wala pa din akong maalala. :(
Girl Scout Membership ID
1st Year High School
Ah! Sobrang malinaw sa ala-ala ko ang pangyayari sa picture-an nung first year ako. Alam ko kung anong nangyari nung araw na ito.. Lima-lima kaming pina-akyat sa taas pa na floor nung room namin. Natatandaan ko nagpapatawa ako sa mga kasalukuyang pini-picture-an. Loser ako n'un pero ume-epal bang parang tanga. Nung ako na ang naka-upo d'un sa electic chair para picture-an, gumanti sila sa akin, nagpapatawa din sila. Ay dahil ba pilit yung tawa ko, 'yun naka-ngiti 'yung hitsura ko sa picture. Ibinaba ko pa nga yung bangs ko sa tagiliran ng mukha ko kasi alam mong malapad ang noo ko!
2nd Year High School
Hahaha. Ayaw namin sa kulay orange na id. First year pa lang, alam na namin na ang baduy-baduy ng kulay orange. Orange ay pang-Sophomore. Super ikli na naman ng buhok ko, fly away pa! Nung nagkukuhanan na ng id, ang puti-puti ng mukha ko sa picture.. itinatago ko pa nung una, sinisilip-silip ko lang hitsura ko tapos nakita pala ni Jonathan, bago kong kaklase bilang second year. Sabi niya, "Ah..Puti aba. Maputi na nga ih."
- - - - -
1st Year College
Haha. Tandang-tanda ko pa ang araw na 'to. 'Yang suot ko na white school blouse ay hindi sa akin, sa school 'yan. Mahahagilap mo na lang sa paligid nung pa-picture-an. Naka-orange pa akong suot na t-shirt noon kaya medyo kita yung t-shirt. Pero kulabo na yata dahil burado na. Hindi ko dinidikitan ng sticker para lang ma-validate 'yang ID ko na 'yan kasi, mapangit lang. Nga pala, kailangang i-surrender itong lumang ID para makuha yung bago kong ID na kulay berde. Pero di ko ginawa dahil memorable 'tong ID na 'to, kasi SAS - BS Bio pa ang nakalagay.
Wala pa din akong maalala. :(
Girl Scout Membership ID
Sa malabong hindi maasahang natatandaan ko, assignment namin na dikitan 'tong ID na 'to ng picture at ipa-laminate. Ayan, dinikitan ng ginupit lang na litratong kinuha noong bagong-taon kaya polka dots ang suot ko. Tabingi pa ang gupit. Saka pina-laminate.
- - - - -
Grade 1
Sayang naman. Wala na naman akong maalala tungkol dito.. Hep, teka lang.. pang meron yata. Konting-konti lang. Ang alam ko ay limahan kaming pinapupunta sa main building ng school ko na PEL2A. 'Yun lang. Haha.
Grade 2
May suot akong hairband niro. 'Yun bang hairband na mukhang sunglasses. Sayang e malinaw pa ito nung dati. Tsk. Nabasa kasi dahil sa ulan. Sa library namin kalimitan ginagawa ang picture-an. Ang room ko nung Grade 2 ay sa katabi at likod lang ng library namin.

Grade 3
Lagi kong natatandaan na nung bata pa ako, nung mas bata pa ako kaysa nitong Grade 3 ako sa Calumpit, Bulacan, laging pinapansin ang dimple kong nagso-solo sa kaliwa kong pisngi. Kaya hanggang mag-Grade 3 ako, tuwing pinangi-ngiti kami ng maglilirtrato ngumingiti ako na kailangang nakalabas-dimple ko, E 'YUN NAMAN PALA'Y MUKHA AKO LALONG SIMANGOT!! Ito na yung pinaka-huli kong ID picture na nakalabas ang dimple.

c' ' ;)
Grade 4
Dude, where's my ID?
Grade 5
Sobrang maaliwalas ang mukha ko ditong binura naman ng panahon. Ito ang paborito kong kuha sa ID picture. :'( Kapansin-pansin din na sign pen ang pinang-sulat sa pangalan ko. Kasi may kaklase akong Clarice din, Ana Clarice naman siya.
Grade 6
Maganda sana yung pagkaka-reddish/pinkish nung mukha ko sa picture kaso lang mukha ko pikit! Mukhang tipay. Kasi ganito ang kuwento d'yan. Nakahanay kaming limang estudyante, sa likod namin yung pulang tela. May mga nagpapatawa at mga nang-a-asar habang sinesenyasan na pala kami nung magli-litarato.. ay saktong irap ko naman sa kaklase kong bruha. 'Yun ako ang mukhang bruha sa picture.
Maganda sana yung pagkaka-reddish/pinkish nung mukha ko sa picture kaso lang mukha ko pikit! Mukhang tipay. Kasi ganito ang kuwento d'yan. Nakahanay kaming limang estudyante, sa likod namin yung pulang tela. May mga nagpapatawa at mga nang-a-asar habang sinesenyasan na pala kami nung magli-litarato.. ay saktong irap ko naman sa kaklase kong bruha. 'Yun ako ang mukhang bruha sa picture.
- - - - -
1st Year High School
Ah! Sobrang malinaw sa ala-ala ko ang pangyayari sa picture-an nung first year ako. Alam ko kung anong nangyari nung araw na ito.. Lima-lima kaming pina-akyat sa taas pa na floor nung room namin. Natatandaan ko nagpapatawa ako sa mga kasalukuyang pini-picture-an. Loser ako n'un pero ume-epal bang parang tanga. Nung ako na ang naka-upo d'un sa electic chair para picture-an, gumanti sila sa akin, nagpapatawa din sila. Ay dahil ba pilit yung tawa ko, 'yun naka-ngiti 'yung hitsura ko sa picture. Ibinaba ko pa nga yung bangs ko sa tagiliran ng mukha ko kasi alam mong malapad ang noo ko!
Hahaha. Ayaw namin sa kulay orange na id. First year pa lang, alam na namin na ang baduy-baduy ng kulay orange. Orange ay pang-Sophomore. Super ikli na naman ng buhok ko, fly away pa! Nung nagkukuhanan na ng id, ang puti-puti ng mukha ko sa picture.. itinatago ko pa nung una, sinisilip-silip ko lang hitsura ko tapos nakita pala ni Jonathan, bago kong kaklase bilang second year. Sabi niya, "Ah..Puti aba. Maputi na nga ih."
3rd Year High School
Dapat talagang kulay ng ID namin ay light blue, hindi green, pero dahil sa mas madami ang batch naming 3rd Year at mas madami ang stock ng green na card na puwedeng ipang-ID.. green ang naging ID namin. May "WAKE ME UP" pang sticker. Uso kasi n'un yung 'Bring Me to Life' ng Evanescence. Inabala ko din ang sarili kong bumili at mag-aksaya ng pera para sa id protector. Mahaba ang buhok ko nung kinuhanan kami ng picture nitong 3rd year. May isa pa sana akong kopyang picture na ekstra, kaso kinuha na kaagad ni Gil. Uy..
4th Year High School
Wala akong matandaan! xD Hmm.. Aalalahanin ko ulit ang lahat-lahat baka mapapanaginipan ko minsan kung paano nangyari 'tong ID ko nung 4th Year sa High School.- - - - -
1st Year College
Haha. Tandang-tanda ko pa ang araw na 'to. 'Yang suot ko na white school blouse ay hindi sa akin, sa school 'yan. Mahahagilap mo na lang sa paligid nung pa-picture-an. Naka-orange pa akong suot na t-shirt noon kaya medyo kita yung t-shirt. Pero kulabo na yata dahil burado na. Hindi ko dinidikitan ng sticker para lang ma-validate 'yang ID ko na 'yan kasi, mapangit lang. Nga pala, kailangang i-surrender itong lumang ID para makuha yung bago kong ID na kulay berde. Pero di ko ginawa dahil memorable 'tong ID na 'to, kasi SAS - BS Bio pa ang nakalagay.
College Library Card
Hindi school ang kumuha nitong 1x1 na picture ko dito. Haay. Sa studio ito na binayadan ko para palabasing ang pangit pangit ko talaga sa picture. Hmpf! Wala manlang photoshop sina manong. Tawang-tawa pa si Kuya nung nakita 'yang picture kong 'yan. Sabi ang lapit daw nung kamera sa mukha ko. 'Yan din yung picture na 2x2 naman ang nakalagay sa record folder ko sa Registrar at sa CAS. Kaya sobrang tingnan yung picture ko sa folder at yung mukha ko tuwing enrollment .

3rd Year College
Kinukulit na kami nung Registrar's nung last sem pa lang na kailangan na daw ng bagong ID. Ang dating Southern Luzon Polytechnic College kasi ay Southen Luzon State University na. Isang araw, maaga kaming pinapupunta sa AVR para sa isang seminar tungkol sa pagko-komiks. Sa natatandaan ko ha, hindi ako sigurado. Napadaan ako sa Posting ng school.. err.. university. May mga naka-sabay na din akong mga kaklase na nagpa-picture na din para nga sa bagong ID. Kaya ayan, basa pa ang buhok ko sa picture at halata. Meron pa e, umiyak din yata ako nung gabi bago ang araw na 'yan kaya parang namumugto ang mukha at ilong ko! Sama. At kailangan naman i-ssurender 'to para makuha ang diploma, na hindi ko na naman ginawa dahil nagpagawa ulit ako ng affidavit of loss.
LOST and FOUND
Wala akong ID nung nag-Grade 4 ako sa Paaralang Elementarya ng Lucban. Hindi ko din alam kung bakit. Hindi ko na din matandaan kung bakit. Ang hinala ko na lang, baka pina-absent ako ni Mommy nung nag-picture taking para sa id. Pero kahit na absent ako, dapat may id pa din ako na walang 1x1.
Nawawala pa sa kasalukuyan yung Library Card ko ng nag-1st Year High School ako sa Lucban Academy (bulok ang library). Sayang kasi maganda ako sa picture d'on.
At yung library card naman namin nung Elementary ay yung cheapipo lang na nabibili sa halagang P25cents.
Oh well, handa na akong mangolekta naman ng Company IDs. Dating gawi ulit kung man kailangang i-surrender. Dahil wala akong balak mag-balik ng kahit anong ID. xD