..and never of killing for their country.” ~Bernard Rusell
Noon ang lagi kong isinisiksik sa utak ko ay ang sinabi ni JFK na "...ask not what your country can do for you -- ask what you can do for your country." Sa edad ko ngayon, siguro ang pinaka-magagawa ko ay humanap ng trabaho, magtrabaho at magbayad ng tamang buwis. Para may budget na mapapunta sa mga public schools, public hospitals, at public officials.
Sapat na ba ang magbayad ng buwis? Hindi. Pero bilang lang kasi ang mga bagay na kaya kong gawin sa bayan na 'to. Ang mga Japanese, pumatay para sa bansa nila at nagpapakamatay din. Ang mga Vietnamese, pumatay ng mga dayuhan at ng kapwa nila Vietnamese. Di ako handang pumatay at mas malabong magpakamatay ako para sa bansang ito.
Bilang isang Pilipino, hindi ko ikinahihiya, lalong di ko itatanggi, PERO hindi ko din ipagyayabang o ipagmamalaki.
Ang usapan kasi dito, hindi naman yung bansa, hindi yung mismong bansa ang pinaguusapan at ipinaglalaban dito, ang tanong e, kung handa ka bang mamatay para sa mga kapwa mo Pilipino at kung handa kang pumatay para sa kanila. Handa ka ba? ..Ows? Kung iisipin mo lang ng mabuti..