11.1.09

Dial our toll free hotline 1-800-BACK-OFF!



Questions? Comments? Suggestions?

Sa totoo lang, ilan kaya sa mga Pilipino ang tumatawag sa mga call center para magreklamo, magtanong, at kahit mag-osyoso lang (o pampatay ng oras)?

Nineteen sixty seven pa ng umuso ang toll free sa mga hotel. Sinisingil ang mga tinatawagan sa halip na ang mga tumatawag kada minuto.

Gamitin kaya natin 'yang mga hotline hotline na 'yan. Tulad ng *888 ng Smart na katagal-tagal naman bago sagutin ng kanilang mga operator, low batt na lang ang cellphone mo wala ka pang nakakausap. O tulad ng 1710, ng Digitel na tuut-tut-tuuut lang. At saka sa Meralco na 16211 at itanong na "Bakit ang mahal-mahal niyo sumingil?!"

Tumawag ako kanina sa Digitel tungkol sa billing ng telepono at internet namin dito sa bahay. Pinoproblema ko kasi ang tatlong buwan ko nang hindi binabayaran ang P777 kaya P2331 na siya ngayon.

At ako ang responsableng magbayad ng bill ng telepono namin. Walang pera si Daddy. Ipaputol na daw. Weh. AYOKO! Wala din akong pera. Pero meron naman akong kuya, hahaha, na puwedeng magbayad kasi nagtatarbaho din siya ay sa Call Center!~



At nalinawagan naman ako pagkatapos kong makipag-chit-chat dun sa rep ng Digitel. Kung paano ko babayaran ang bill ng gamit ay atm (na hindi pala naman puwede). Kung puwede bang magbayad na luma ang gamit na bill.

Sa halos dalawang linggo kong pagtira sa apartment na may tatlo o apat na taong nagtatrabaho sa Call Center, may ilang jargons akong narinig na sila-sila ang nagkakaintindihan.

Haller! Welcome to Back Off Customer Service Hotline. How may I help you? ..Please hold.