31.1.09
Ang Demonya ay Naka-Prada!
TAGALIZED:
Clarice, mag-isip ka nga, magseryoso ka. Hindi mo ginagalingan. Wala kang sinusubukan, ikaw ay puro lang reklamo. Anong bang gusto mong sabihin ko sa'yo ha na, "Kawawa ka naman, Clarice. Kawawa ka. Ikaw lang ang nakikita niya, kawawa ka naman."? ..Iyon ba? Gumising ka nga! Ginagawa lang nila ang trabaho nila. Hindi mo ba alam na ang mga kasama mo sa trabaho, dito sa lugar na ito, ay ang mga taong naglalathala ng pinakamagagaling at pinakamahuhusay na mga obra sa panahong ito? Rajo Laurel, Inno Sotto, Joey Samson, Jojie Lloren, Puey Quinones, Randy Ortiz. At ang mga nililikha nila ay mahigit pa sa isang kasanayan dahil ito ang dahilan kung bakit ka nabubuhay. Siyempre hindi ikaw, ..yung ibang tao. Sa palagay mo ba isa lang itong babasahin, ha? Hindi lang ito isang babasahin. Ito ay isang pag-asa, inspirasyon! Sa... hindi ko alam kung kanino... sabihin na lang natin na.. sa isang batang lalaki na may anim na kuya sa pamilyang nakatira sa Mindanao na nagkukunwari na magaling maglaro ng sipa at patintero pero ang totoo ang gustong gawin ay ang manahi at magtabas ng tela kaya naman gabi-gabi ay patagong nagbabasa ng Mega na ang tanging tanglaw ay lampara. Wala kang alam kung gaano kadami na ang mga sikat na dumaan rito. At ang masama sa lahat, wala kang paki-alam. Dahil ang lugar na ito, kung saan madaming tao magpapakamatay para makapagtrabaho, na ikaw nagbabaliwala lang. At ngayon, tinatanong mo kung bakit hindi ka niya binibigyang puri tuwing natatapos mo nang mahusay ang iyong trabaho? Gising, Clarice.