31.3.08

.: Rice on the Rise

Clariceism n. The use of a word that only the user has an understand to the meaning, despite the user fully believing the word is of common use.

She stunned her peers when she announced, "My hipacampaloop isn't working today." A true Clariceism.

Source: Urbandictionary

15.3.08

1st I-Wit Docufest: Better Luck Next Time!

Biyaheng EDSA ni Howie Severino ang di ko malilimutan at paborito kong dokyu ng I-Witness, taong 2006, ika-dalawampung anibersaryo ng People Power I. Ang dokyung ito ay madaming nadaanang paksa pampulitika at pangakasaysayan na nakapagbukas ng akin at sa marami pa, lalo na sa mga hindi na umabot sa panahon ng makasaysayang EDSA People Power.
Di pa ako pinapanganak sa People Power I at bata pa naman ako ng mangyari ang People Power II at III. Pero dahil sa dokyumentaryong ito napanuod ko ang mga lumang footage ng makasaysayang pangyayari sa Pilipinas at narining ko ang mga kwentong-nakulong sa Camp Crame.
Ang Epifanio de los Santos Avenue o EDSA, na highway 54 noon, ay isa sa mga pinakamahaba at pinakaabalang kalye sa buong bansa. Ito na rin marahil ang pinakamausok at may pinakamakupad na daloy ng trapiko sa mga kalye ng Pilipinas na malinaw na naglalarawan sa estado ng ating bansa. Ngunit dahil din dito, sa kalyeng ito naging tanyag ang lahing Pilipino sa buong mundo dahil sa ating pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa noong People Power Revolution. Nasa kalye ng EDSA din naman ngayon ang nagkakaisang mga Pilipino na nakatira sa sqautter at sa exclusive subdivisions.
Bilang isang probinsyana bihira lang akong makalumuwas ng Maynila. Marahil ay nagiisa lang ako na nage-enjoy kapag mabagal ang usad ng trapiko sa EDSA. Sinasamantala kong obserbahan ang mga dinaanan ni Howie Severino sa kaniyang dokumentaryo. Ang Forbes Park at Corinthian Garden na mga pangmayaman, tulay ng Guadalupe na may makukulay na bahay, Camp Crame kung saan nakulong ang dose-dosenang Pilipino, EDSA Shrine na nagpapaalala ng People Power, gusali ng GMA, ang Cubao, atbp. Kakaiba at kakat’wang pagmasdan din ang mga taong nagmamadali at may kaniya-kaniyang pupuntahan, mga naglalakihang billboard, mga bus na nagbubuga ng maitim na usok at ang mga bago at nagtataasang gusali at mga mall. Masayang maging bano paminsan-minsan.
Simula ng napanuod ko ang Biyaheng EDSA napadagdag sa aking mga pangarap na magawa ang paglalakad ng I-Witness sa kahabaan ng EDSA. Pero dahil totoo nga ang sinabi ni Howie Severino na "ang EDSA [ay] di masyado walkable" mas mainam siguro na lakbayin ito sakay ng MRT, view from the top na, aircon pa!
Sa pagdaan ng dalawang taon mula noong February 2006 hanggang ngayong narakaang February 2008 napansin kong malaki na ang kinupas ng kulay ng dating matingkad na barangay sa tabi ng Ilog Pasig, ang Concepcion GK Village. Tulad ng pangyayari sa mga nagdaang People Power kumupas na rin ito sa mga isipan ng maraming Pilipino. Pero nanatiling buhay sa mga pahina ng mga pangkasaysayang libro at sa mga taong nasugatan ng pangyayari.
Nagkaisa ang mga Pilipino noon, pero bakit nga ba hindi ata na naman ngayon? Nahahati tayong muli sa pro at anti sa gobyerno. Nagkaroon na naman ng iba’t-ibang rally at magkabilaang protesta laban sa mga pinuno nitong nakaraang buwan kagaya rin ng nangyari noong Ferbruary 2006 sa dokyu ni Howie Severino.
Nabanggit ni Jose Rizal, "In order to fortell the future of one’s nation, one must consult on its past." Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Balintawak ang bida sa rebolusyon noong 1896. Ang dalawang milyong mga Pilipino naman na nagmistula ngang mga "langgam" ang bida sa mapayapang rebolusyon sa Ortigas laban sa diktador noong 1986. Maaring mahigit o kumulang isang daang taon na naman ang lilipas at baka isang rebolusyon na naman sa kahabaan ng EDSA ang mauulit na mangyari. Sana naman ay di na ito sa EDSA o kahit saang lugar pa man sa Pilipinas. At higit sa lahat, huwag na sanang Pilipino laban sa kanyang kapwa Pilipino ang maglaban dahil sa kasakiman at kapangyarihan.
*may kasama pang mga typo. tsk.tsk.

1.3.08

In the beginning..

When it all started?

Of course, I still remember how it all started but I don't know WHY. This very day, I decided to start a diary and start recording the daily events of my life.


Photo taken wh
en I was in Grade 4 at Paaralang Elementary ng Lucban 2A.

Ginawa kong diary yung notebook na binili ko pa noong pa-Grade 4 pa lang ako. Grade 5 na ako nitong maisipan kong mag-diary. Wala pang kahit anong sulat, bakanteng-bakante pa. Pero sa natatandaan ko GMRC ko ang notebook na 'yon pero konting-konti lang ang nasulatan. Siguro pinunit ko na lang. Kaya ang mahahalagang mga nakasulat sa papel na ito ay akin nang ilalagay sa internet! yeah, cool! Para kung sakali mang basain ng bagyo o tupokin ng apoy ang aking hard copy e, magsu-survive pa din ang aking istorya. Nakakahiya ang mga maling spelling na words, mga imbentong pangalan ng mga crush, mga totoong nakakahiyang pangyayari na aking naranasan, atbp.


When I was in Grade 3, in Calumpit, Bulacan, I remember telling myself "One day, I'll be thankful that I got the chance to come, see and live in this place, to be able to know and meet these people, by that time comes, it will all be a good memory of my past."


Preparing for school back when I was in Grade 3 in Calumpit Elementary School.


Sabi nang kaklase ko nung high school, ma-i-hahalintulad daw ako sa isang dictionary - ang dami ko daw kasing alam at madaldal daw ako. Meron pa,.. sa text.. isa akong dictionary dahil lahat sa kanyang ginagawa at sinasabi ay binibigyan ko ng meaning. toinks At saka,.. yung kay Bob Ong na.. kung ako man ay isang dictionary, wala kang meaning sa akin! nyaha, pinaka-corny sa lahat ng mga corny.


Doing some polka in a school program for Nutrition Month (July 1st) back when I was in Grade 5 at PEL2A.


Pangarap kong mai-post ang lahat-lahat kong naisulat sa papel simula noong 1999. Ha! Nagsulat ako tungkol sa araw-araw na pangyayari sa aking buhay. Sobrang literal na pang-araw-araw na nangyayari sa buhay ko noon, na nangyari lang talaga sa buong araw ko ang isinusulat ko! Sinulat ko ang mga tungkol sa aking mga naging katipan. Haha! I can't believe I'm saying this. Nagsusulat ako kung ako'y masaya o malungkot. Naglalabas ako ng galit ay sa papel kaysa sa tao. Alam kong hindi kahit minsan magiging tismosa ang isang papel. Nitong huling taon ko nang high school, natutunan kong magsulat ng mga tungkol sa mga bagay-bagay at buhay-buhay. That's when I stoped writing about lovelife and just started to write about life. Ayun, wala na ding dumating na love sa aking life.

Kaya ang maipapayo ko lang sa iyo:

Isulat mo!